Home METRO Bebot tigok sa suwag ng pick-up truck

Bebot tigok sa suwag ng pick-up truck

ILOCOS SUR-Patay ang isang babae samantalang sugatan ang angkas nito matapos na aksidenteng mabangga ng pick-up ang kanilang motorsiklo sa national highway sa Sitio Pideg, Brgy. Magsaysay District, Santa ng lalawigang ito kahapon, Enero 13.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang driver ng Honda Beat motorcycle na si Marisol Tacanay y Peria, 29, residente ng Brgy. Cabalanggan, Bantay, Ilocos Sur samantalang for identification ang angkas nitong lalaki na nakasuot ng kulay blue na t-shirt at short pant.

Kinilala naman ang driver ng Nissan Navara pick-up na si Arsenio Car y Azcueta, 55, may asawa, residente ng Brgy. Ambulogan, Narvacan, Ilocos Sur.

Patungong hilagang direksyon sa nabanggit na lugar ang motorsiklo samantalang patungo naman ng opposite direction ang pick-up.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang pumutok ang gulong ng pick-up sa bandang kanan sa harapan sanhi para mawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa aksidente nitong mabangga ang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang driver ng motorsiklo at agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan, Ilocos Sur.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Ang angkas nito na nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ay dinala sa Metro Vigan Cooperative Hospital.

Hindi nasaktan sa naturang insidente ang driver ng pick-up. Rolando Gamoso

Previous articleHoldaper nakipaghabulan sa mga parak, binaril sa binti
Next articleBong Go: Higit 700 SHC pinondohan para itayo sa buong bansa