Home METRO Bebot timbog sa pagbebenta ng pekeng PhilHealth ID

Bebot timbog sa pagbebenta ng pekeng PhilHealth ID

MANILA, Philippines — Timbog ang isang babae na nahuling nagbebenta ng pekeng PhilHealth identification card online sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group sa Quezon City.

Nag-ugat ang operasyon ng PNP-Anti-Cybercrime Group nang magreport ang empleyado ng PhilHealth sa kanila hinggil sa iligal na aktibidad ng suspek na ibinebenta ang PhilHealth IDs sa halagang P500.

Base sa awtoridad na halos isang linggo na nilang minamanmanan ang suspek.

Lumitaw din sa imbestigasyon na pati ang mga bumibili ng pekeng PhilHealth ID ay posibleng sangkot din sa mga iligal na gawain online, ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo sa panayam sa Camp Crame, Quezon City.

“Normally ang mga bumibili ng fake identification ito yung mga gustong gumagawa ng kalokohan sa internet…. sa mga illegal activities tulad ng scam,” dagdag pa ni Guillermo.

Pinaghahanap na rin ng mga pulis ang iba pang posibleng kasabwat.

Mahaharap ang suspek sa reklamong falsification of public documents at paglabag sa Cybercrime Prevention Act. RNT

Previous articleMister patay sa 5 NPA
Next article100K multiple voter registrant kakasuhan ng Comelec