Home METRO Bebot timbog sa tobats sa Taguig

Bebot timbog sa tobats sa Taguig

Nadakip ng mga miyembro ng Taguig police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang isang babae na itinutuing na drug pusher nitong Miyerkules (Enero 10) sa lungsod.

Ang suspect na kinilala lamang sa alyas na Brenda, 46, ay nadakip ng mga tauhan ng SDEU dakong alas 7:45 ng gabi sa ikinasang buy-bust operation sa Amarillo Street, Barangay Rizal, Taguig City.

Ayon sa Taguig police, ang suspect ay nakasama sa listahan bilang street level individual (SLI) kaugnay sa ilegal na droga.

Nakumpiska sa posesyon ng suspect ang limang plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 20 gramo na nagkakahalaga ng P136,000; isang cellphone at ang P500 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang pinaghihinalaang shabu ay dinala sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit para sumailalim sa eksaminasyon habang kasalukuyan namang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)

Previous articleKelot na jumi-jingle sa Pasay kalaboso sa sumpak
Next articleUS gustong bumili ng Russia oil