Home NATIONWIDE Beep: Alok na 12-month free travel card peke

Beep: Alok na 12-month free travel card peke

MANILA, Philippines- Nagbabala ang kompanya sa likod ng beep card contactless payment system laban sa online promotion na nag-aalok ng 12-month free travel card, na tinawag ng pamunuan na “misleading, bogus, and fraudulent.”

Sinabi ni AF Payments Inc. (AFPI) chief executive officer JJ Moreno nitong Lunes na walang awtorisadong pagbebenta ng anumang Beep cards na nag-aalok ng libreng sakay sa loob ng 12 buwan o anumang katulad na promosyon.

“We urge beep card users and commuters to prioritize safety by being vigilant and refraining from clicking on or subscribing to any suspicious links that could potentially compromise your personal and financial data,” paalala ni Moreno.

Upang maiwasan ang ganitong uti ng scam, hinikayat niya ang publiko na bumili ng beep cards mula sa official outlets tulad ng nasa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), LRT-2, Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), piling convenience stores, at sa pamamagitan ng online shops nito sa Shopee at Lazada.

“If you have any concerns or come across any questionable activity, please report it to us immediately using our official channels,” pahayag niya.

Matatagpuan ang karagdagang impormasyon sa beep card payment system sa kanilang website sa https://beep.com.ph, at @beepcardph sa Facebook, X at Instagram. RNT/SA

Previous articlePAF: 60% ng Benguet forest fire sa Benguet naapula na
Next articleP25.7M ilegal na droga nakumpiska sa Cordillera