Home NATIONWIDE Beijing nagpadala ng 27 barko sa WPS sa major maritime militia rotation

Beijing nagpadala ng 27 barko sa WPS sa major maritime militia rotation

MANILA, Philippines – Nagpadala ang Beijing ng aabot sa 27 mga barko sa West Philippine Sea (WPS) sa isang “major maritime militia rotation.”

Ang paggalaw na ito ay iniulat ng American maritime security expert nitong Sabado, Enero 21, ilang araw matapos na magkita ang mga opisyal ng Pilipinas at China, at magkasundo na ipanatili ang communication lines para sa friendly dialogue at pahupain ang tensyon.

“China has a major maritime militia rotation under way across the South China Sea, with at least 27 Qiong Sansha Yu-class ships deploying south into the Spratly Islands and east to Scarborough (Panatag) Shoal,” sinabi ni Ray Powell.

“We’ll likely see others returning to Hainan Island after a short overlap period,” dagdag pa niya.

Bago ang napaulat na paggalaw nitong Sabado, nag-convene ang Manila at Beijing sa kanilang ika-walong Bilateral Consultation Mechanism (BCM) meeting sa Shanghai at pumayag na pahupain ang tensyon hindi lamang sa South China Sea kundi maging sa diplomatic arena.

Matatandaan na kamakailan ay sinita ng China ang Pilipinas matapos na batiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang president-elect ng Taiwan na si Lai Ching-te. RNT/JGC

Previous article300 minero na na-trap sa mining site, pinabulaanan ng Mati City LGU
Next articleBebot timbog sa P680K shabu sa Parañaque