Home METRO Beking scammer sa Facebook nadakma sa Bulacan entrapment ops

Beking scammer sa Facebook nadakma sa Bulacan entrapment ops

358
0

San Ildefonso, Bulacan – Arestado sa entrapment operation ng pulisya ang isang miyembro ng LGBTQ+ matapos gumamit ng larawan ng magandang dalaga at ginamit sa Facebook para manghingi ng pera.

Kinilala ang suspek na si Jenard Manliclic, 23 residente ng Brgy. Mapaniqui, Candaba, Pampanga habang ang biktima ay itinago sa pangalang Barbie ng Brgy. Malipampang.

Sa report ni San Ildefonso chief of police P/Lt. Col. Russel Dennis Reburiano kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon tanghali ng Lunes, Hulyo 10 sa Brgy. Poblacion.

Ayon kay Reburiano, kinuha ng suspek ang magagandang larawan ng biktima at ginawan ng fake Facebook account.

Nabatid na ginamit ng suspek ang ginawa niyang fake account ng biktima para manghingi ng pera sa mga friends nito sa Facebook.

Nang wala ng mabiktima ay nagchat na ang suspek sa biktima na pinatutubos ang fake account ng P7,500 para burahin at hindi na niya gamitin sa panloloko.

Dahil dito, humingi naman ng saklolo ang biktima sa pulis na agad nagsagawa ng operasyon sa lugar at nang i-abot sa biktima ang hinihinging pera sa suspek ay agad nilang inaresto.

Umamin naman ang biktima sa kanyang pagkakasala na aniya’y nakahingi siya sa kanyang nabiktima ng P150 cellphone load kasabay ang paghingi ng tawad sa dalaga.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan. Dick Mirasol III

Previous articlePPA kinwestyon ng COA sa mamahaling cellphones, unregistered vehicles
Next articleProduksyon ng bigas madaragdagan sa New Agrarian Emancipation Act- Romualdez

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here