Home ENTERTAINMENT Beks Battalion, pina-iyak sina Zebby at Donnalyn!

Beks Battalion, pina-iyak sina Zebby at Donnalyn!

555
0

Manila, Philippines – Ginulat ng comedy trio na Beks Battalion ang moviegoers sa red carpet premier sa SM Megamall Cinema nang ipinalabas ang pelikulang Beks Days of Our Lives na pinagbibidahan nina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez.

Ang ini-expect kasi ng mga manoood ay tungkol sa LGBTQ+ ang movie o kaya naman ay pure comedy na tipong nasa comedy bar lang ang dating.

Ngunit ginulat nina Chad, MC at Lassy ang mga nanood dahil sa gitna ng katatawanan ay may mga twist and turns ang istorya na siguradong kukurot sa puso ng mga nanonood.

Ilan sa mga dumalo sa premiere night ay ang mga sikat na YouTubers gaya nina Team Zebby at Donnalyn Bartolome. Aminado ang dalawa na hindi nila napigilan ang maging emosyunal at mapa-iyak sa ilang mga eksena.

Truth is, halos lahat naman ng mga nanood ay na-move sa kakaibang twist and turn ng istorya tungkol sa tatlong magkaibigan.

Very thankful din ang tatlo sa suportang binigay ni Vice Ganda na personal na dumalo sa big event ng kanilang pelikula.

Sa unang pagkakataon ay si Chad ang nagdirek ng Beks Days of Our Lives na maayos naman niyang naitawid hanggang sa pagtatapos.

Showing na ang pelikula ngayong May 17 sa mga sinehan produced by Viva Films. JP Ignacio

Previous articlePinsala ng oil spill sa Pola, umabot na sa P300M – mayor
Next articleLevel-up sa technique ng text scammers, ibinabala ng DICT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here