Home ENTERTAINMENT Bela at Norman, nag-celebrate ng 4th anniv!

Bela at Norman, nag-celebrate ng 4th anniv!

Manila, Philippines- Kahit long distance love affair ang namamagitan sa relasyon nina Bela Padilla at ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay ay mukhang lalo pang nagiging matibay ang relasyon nila.

In fact, apat na taon na ang kanilang relasyon at ipinagdiriwang nila ito ngayong buwan.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Bela ang kanyang short but sweet message para sa dyowa na sine-celebrate nila ang 4th anniversary nila.

“To the person who supports my mission to finish Hogwarts Legacy on the Play Station and will happily take over the stages that are too scary for me, happy anniversary and I miss you!” mensahe niya kay Norman
Nag-post din ang kanyang Swiss boyfriend sa IG kalakip ang picture nilang dalawa.

“The 4 most exciting years filled with love, laughter and adventure with you my love @bela,” caption sa post ng binata.

Napa-throwback pa nga si Norman at inalala ‘yung mga panahon na unang naging sila ni Bela.

“When we got together 4 years ago we were far apart and just learnt that we could not visit one another due to a global pandemic,” kwento niya.

Dagdag pa niya, “We always had a bond that could withstand distance and time and we are proving it to each other.”

Ani pa ni Norman, “Incredibly excited for our lives together. Happy anniversary.”

Kung matatandaan, October 2020 nang ipinakilala ni Bela sa publiko ang kanyang foreign boyfriend.

Para sa mga hindi aware, noong December 2017 nang unang nagkakilala ang couple habang nagte-taping ang aktres sa Switzerland para sa romantic film na “Meet Me in St. Gallen.”

Naging consistent ang kanilang komunikasyon hanggang sa maging couple na nga sila. Rommel Placente

Previous articleRecord high na P150B unaudited asset, naitala ng PRA
Next articlePaglagda sa expanded centenarians law, pinuri ni Bong Go