Home ENTERTAINMENT Bela, nabuwisit sa fake video!

Bela, nabuwisit sa fake video!

Manila, Philippines – Tigilan na raw ang mga bumabati sa kanya bilang Mrs. Norman Bay.

Pinalagan ni Bela Padilla ang kumakalat na video sa TikTok na ikinasal na sila ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Isang intimate wedding daw ang naganap.

To make it look true ay nakasuot pa nga ng wedding gown si Bela.

Dahil doon ay maraming napaniwalang netizens na may kasalan ngang naganap.

Hindi itinago ni Bela ang pagkakabuwisit niya.

Post ng multi-slashie personality: “Not yet married. So stop congratulating me!”

Sa pag-aakala nga rin ng mga kapwa artista’y bumuhos ang pagbati sa kanya.

Kaya naman nagpatulong na si Bela para ireport ‘yon: “Can we all please report this fake news spreader?”

At saka lang niya sinabi na ang clickbait na ‘yon showing her in a bridal dress ay hango sa eksena ng isang teleseryeng ginawa niya.

These days ay usung-uso nga naman ang paglaganap ng mga fake news.

Pinapayuhan ang mga netizens lalo ‘yung mga madaling maniwala (read: gullible) na maging mapagmasid at pagiging mahusay mangilatis.

If it’s any consolation, at least, positive pa rin ang fake news kay Bela. Ronnie Carrasco III