Home LOCAL BIZ Bela, nag-deny na live-in sila ng afam na jowa!

Bela, nag-deny na live-in sila ng afam na jowa!

75
0

London, England – Taong 2019 pa naka-base si Bela Padilla sa London.

If you’re wondering kung bakit doon, it’s because it’s actually her dad’s home.

Half-Filipino half-British si Bela whose last name is Sullivan.

For the longest time nga naman daw ay sa Pilipinas siya namamalagi with her mom, it’s about time she experience a new environment.

Mainam na rin daw maranasan niya ang independent life, pero kung may mga projects dito she makes sure to come home to fulfill them.

Simple lang din ang buhay niya sa London tulad ng pamimisikleta pag bumibili ng tinapay sa bakery.

Ayaw niyang ikumpara ang buhay niya roon and the kind of life she used to have back home, “It’s apples and oranges.”

Nilinaw ni Bela na hindi sila nagli-live in ng kanyang Swiss-Italian fiance na si Norman Bay.

Pero may mga pagkakataong they don’t miss the chance of seeing each other.

Bilang artist, masasabing milya-milya ang agwat ni Bela sa ibang mga aktres her age.

Aside kasi from acting, nagsusulat na rin siya ng script at nagdidirek pa!

Her fans will be delighted to know na dala- dalawa ang pelikulang ginagawa ni Bela sa South Korea kung saan she gets to work with popular K-drama actors.

As a director naman, puring-puri siya ni Lorna Tolentino na may special participation sa pelikulang dinirek niya sa South Korea.

Take note, si Ms. LT ‘yon ha? The actress who once dreamt of becoming a film director herself! Ronnie Carrasco III

Previous articleNa-trap sa mga gumuhong gusali sa lindol sa Turkey-Syria, nagpapasaklolo sa text, video
Next articlePatay sa Turkey-Syria quake 7,800 na; 3 Pinoy nawawala