Home ENTERTAINMENT Bela, pasok sa Royal Academy of Dramatic Art!

Bela, pasok sa Royal Academy of Dramatic Art!

Manila, Philippines- If he were alive today, Bela Padilla’s father would have been proud of her.

In her Instagram account, masayang ibinahagi ng multi-hyphenate celebrity na natanggap siya sa wakas sa RADA o Royal Academy of Dramatic Art.

Multi-hyphenate is an apt word to describe Bela dahil hindi lang siya sikat na aktres dito sa bansa, she also writes scripts and directs movies.

And depending on her preference, Bela stars in those films.

Bela shared the letter she received from RADA saying na maaari siyang maging bahagi ng Advanced Screen Study for Actors.

Laking tuwa raw ng kanyang ama wherever he may be dahil sa milestone ng anak.

Matatandaang nito lang August ay pumanaw ang kanyang British dad.

Interestingly, noon pang 2007 inuudyukan ng ama ni Bela ang aktres na subukang mag-apply sa RADA.

“Here I am 16 years later!” post pa ng aktres.

This explains why most of the time ay nasa London, England si Bela.

She only comes home pag may trabaho rito o ipino-promote na project.

Much of her success working behind the scenes ay utang ni Bela sa Viva Entertainment.

Obyus na nakuha ng aktres ang tiwala ng del Rosario-owned film company which lets her be para lalo siyang umalagwa.

With her London brand of thespic expertise, asahan nang lalong magle-level up ang creativity ni Bela. Ronnie Carrasco III

Previous articleIya buntis na naman?
Next articleLorin, ibinida ang bagong Chedeng!