Ben&Ben, nagkasa ng FB live concert para makalikom ng pondo para sa COVID-19 relief

Ben&Ben, nagkasa ng FB live concert para makalikom ng pondo para sa COVID-19 relief

March 22, 2020 @ 6:01 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — Nakiisa ang Ben&Ben sa patuloy na dumaraming bilang ng mga personalidad na nagsasagaqa ng online show para sa mga COVID-19 frontliners.

 

Matapos nila Ryan Cayabyab, at GMA Artists online show, nakatakdang magsagawa ng Facebook Live Jam sa Marso 27 alas-7 ng gabi ang grupo.

 

“It’s a massive fundraising online showcase entitled Puhon: A Ben&Ben FB Live Event for the COVID-19 Efforts,” ayon sa press statement mula sa Sony Music.

 

Aabot ng isang oras na set ang FB live show ng Ben&Ben upang sumunod sa Luzon-wide quarantine, kung 9 na miyembro ng grupo ang magtatanghal sa kani-kanilang mga tahanan.

 

Magsisilbing launching ng community-initiative website ng Ben&Ben na www.puhon.ph ang naturang FB Live jam.

 

Layunin ng puhon.ph ang “to inspire, uplift, and boost the collective morale of all the key stakeholders of the COVID-19 response through uplifting stories, music, art and more.”

 

Magbibigay ito ng oportunidad sa mga taong makatulong sa mga frontliners at urban poor community na apektado ng COVID-19.

 

Nauna nang maglunsad ng FB live concerts si Ryan Cayabyab kasama ang iba pang local artists uoang makalikom ng pondo para sa mga apektado ng COVID-19.

 

Lahat ng halaga mula sa proyekto ng Ben&Ben ay nakatakda upang makalikom ng pondo para sa “COVID-19 test kits,  Personal Protective Equipment (PPE) and nutrition support for frontline healthcare workers, and relief goods for daily wage earners.”

 

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon sa enhanced community quarantine upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Nagsimula noong Marso 17 ang  Luzon-wide quarantine at magtatapos sa Abril 13. Remate News Team/MM

 

 

Share

Leave a Reply

Loading...