Home NATIONWIDE Benepisyo para sa naiwang pamilya ng pinaslang na OFW sa Saudi, tiniyak...

Benepisyo para sa naiwang pamilya ng pinaslang na OFW sa Saudi, tiniyak ng OWWA

MANILA, Philippines- Binabalak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bigyan ng hero’s welcome ang overseas Filipino worker (OFW) na si Marjorette Garcia na namatay sa Saudi Arabia.

Sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na nakausap niya ang pamilya ni Garcia at tiniyak na mino-monitor ang kaso.

Nagtrabaho si Garcia bilang domestic worker sa Saudi Arabia mula 2021, subalit natagpuang patay at puno ng saksak nitong weekend. Siya ay 32-anyos.

Naniniwala si Ignacio na karapat-dapat si Garcia sa hero’s welcome pagdating ng kanyang mga labi sa bansa.

“Kagabi po kausap natin yung mother ni Marjorette atsaka yung kanyang asawa. Ang mensahe namin, si Marjorette ay uuwi, bibigyan natin ng hero’s welcome, bagamat napakasakit nang nangyari ngayon, kami ay nakatagpo ng genuine na isang bagong bayani. Napakaganda ng kanyang relasyon sa kanyang employer,” pahayag ni Ignacio.

“Lahat nung OWWA benefit makukuha nila. Nasa proseso pa tayo lahat, it’s best that we wait for the official report of the Saudi police and we assure you, hindi naman tayo magkukulang lagi pag dating sa assistance sa mga pamilya at pati nga mga anak nito kasama sa mabibigayan ng tulong. Yun po pinapangako namin sa inyo,” pagtitiyak pa niya.

Samantala, sinabi ni Department of Migrant Workers Officer-in-charge Hans Leo Cacdac sna hinihintay pa nila ang opisyal na ulat mula saSaudi authorities.

“The last update that we gathered is yung kaso mula sa pulis nasa prosecutor na and ang inaabangan natin may investigative body yung prosecutor kung saan posibleng humantong sa isang criminal court so ang napipinto dito is pagtukoy ng isang krimen na naganap laban kay Marjorette at pagtukoy dun sa salarin,” ayon kay Cacdac.

“Sa ngayon, I would rather wait for the official report from the prosecutors. I know may mga reports na binabanggit yung nationality ng reported perpetrators at yung mismong kaparaanan ng pagpaslang. But for me, we would rather wait for the full official report,” paliwanag pa ng opisyal. RNT/SA

Previous article14 Abu Sayyaf sumuko sa Basilan
Next articleP50M confidential funds ng DA, ipinalilipat sa anti-smuggling bodies