Home METRO Benguet bird flu-free na

Benguet bird flu-free na

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong martes na wala nang kaso ng avian influenza o bird flu sa Benguet, halos dalawang taon matapos ideklara ang outbreak sa lalawigan.

 Inihayag ng DA na dahil sa negatibong resulta ngH5N1 strain infections ng ilang ibon, idineklara nang avian influenza-free ang Benguet.

Natukoy ang mga nakaraang kaso ng H5N1 strain infections sa iba’t ibang ibon, tulad ng layer at native chickens, pato, turkey, at gansa. Naitala ito sa pagitan ng February 2022 at September 2022 sa City of Baguio at sa mga bayan ng Atok, Buguias, Itogon, La Trinidad, Sablan, at Tublay.

Bilang tugon, sinabi ng DA na agad nagsagawa ng depopulation, cleaning at disinfection, mobility restrictions, mas mahigpit na biosecurity, at surveillance sa mga lugar sa paligid ng mga apektadong farm.

Pahayag ng DA, matapos ideklara ang Benguet na bird flu-free, siyam na lamang ang bilang ng mga lugar na tinukoy ng Bureau of Animal Industry (BAI) na may kumpirmadong kaso na hindi pa narerekober ang kanilang avian influenza-free status, kabilang ang Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Sultan Kudarat, Kalinga, Cagayan, at Bataan.

Samantala, sinabi ng DA na wala pang naiuulat na kaso ng avian influenza mula nang pumasok ang 2024. RNT/SA

Previous article4 domestic flights kanselado sa masamang panahon
Next articleBulkang Taal malabong sumabog – Phivolcs