Home NATIONWIDE ‘Best of care’ sa war veterans, pangako ng DND chief

‘Best of care’ sa war veterans, pangako ng DND chief

MANILA, Philippines- Dapat na bigyan ng tamang pangangalaga “to the best way possible” ang war veterans bilang tanda ng pasasalamat para sa kanilang serbisyo sa bansa.

“One of the essential tasks or jobs of the Secretary of National Defense is to ensure the welfare of our veterans. This is what the President [Ferdinand Marcos Jr.] continues to remind to me and I will strive hard to ensure that they get the best of care, particularly those who cannot care for themselves,” ayon kay  Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.  matapos  pangunahan ang ika-125 anibersaryo ng Philippine Independence Day, araw ng LUnes, Hunyo 12, sa  Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion (Mausoleum of the Veterans of the Revolution), Manila North Cemetery.

Bilang pagbibigay-galang at papuri sa mga bayani, tagapagtanggol at mga makabayan, nag-alay si Teodoro ng bulaklak sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion kung saan nakalibing ang mga  pumanaw na revolutionaries noong panahon ng  Philippine Revolution taong 1980s at  the Philippine-American War noong 1890s hanggang sa unang bahagi ng 1900s.

Inihalintulad naman ni Teodoro ang kalayaan ng bansa sa isang puno o tao na kailangang patuloy na alagaan at pagyamanin.

“Kailangan, tuluy-tuloy ang pakikibaka, paggamit ng ating mga likas na regalo ng ating Panginoon sa atin, ang ating mga utak, ang ating mga katawan, ang ating pag-iisip, at ambisyon para tuluy-tuloy ang pagsulong ng Republika ng Pilipinas at maging malakas na bansa ito, maging bansa na talagang titingalain sa buong mundo. Iyan palagay ko ang kailangan din nating gunitain ngayon kaalinsabay ng sakripisyo ng ating mga bayani,” paliwanag ni Teodoro. Kris Jose

Previous articleAljur, laging no-show sa showbiz events, inirereklamo!
Next articleHiling ng US sa Pinas, ‘short stay’ para sa Afghan refugees – Amb. Romualdez