Home METRO BFP personnel timbog sa pangingikil

BFP personnel timbog sa pangingikil

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga awtoridad ang isang 35-anyos na fire officer sa entrapment operation sa Zamboanga del Sur sa umano’y pangingikil, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Martes.

Kinilala ng BFP ang suspek na si Jesson Albios Casanes, Fire Officer 3 ng BFP na kasalukuyang nakatalaga sa Isabela City, Basilan Province.

Base sa ahensya, nagsagawa ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng entrapment operation sa kahabaan ng Purok Crossing sa Barangay Sicade, Kumalarang, nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa BFP, naaresto ang suspek bandang alas-5 ng hapon matapos tumanggap ng P400,000 bayad upang matiyak na makapasok ang aplikante sa ahensya. Kasalukuyang nasa kustosiya ng pulis si Casanes.

Dail dito, pinaalalahanan ng BFP ang publiko na hindi nito pinapayagan ang pagtanggap ng fire officers at personnel na may bayad. RNT/SA

Previous articlePagsabak sa Olympics tatargetin ng Gilas
Next articleKilos-protesta ikinasa ng labor groups sa Bonifacio Day