Home NATIONWIDE BI amnesty sa illegal aliens itinanggi ni Tansingco

BI amnesty sa illegal aliens itinanggi ni Tansingco

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco nitong Martes, Agosto 8, ang posibilidad ng pagbibigay ng amnesty ng ahensya para sa mga illegal alien sa bansa.

Ang tugon ni Tansingco ay ang sinabi ng dating deputy commissioner na isang draft proposal ang ipinasa sa Department of Justice, subject to perusal, para sa alleged P2 billion amnesty budget na ibibigay sa 500,000 illegal alien na naninirahan sa bansa.

“Such statements are unauthorized, and figures are baseless,” pahayag ni Tansingco.

“No such proposal has been submitted by the BI,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Tansingco na para magpatupad ng amnesty ay dapat na magpasa ng bagong batas sa Kongreso.

Samantala, nagbabala rin siya sa mga scam na kumakalat sa social media na nagbebenta ng slot para sa “nonexistent amnesty.”

“We have received prior information that there are unscrupulous groups on social messaging apps already selling slots for this supposed amnesty, hence we reiterate that no such thing is on the table,” paglilinaw pa niya. RNT/JGC

Previous articleCagayan inuga ng M-4.4 na lindol
Next articleMag-utol swak sa selda sa panghoholdap