MANILA, Philippines- Nakitaan ng “multiple red flags” ang babaeng hindi nakasakay ng flight patungong Taiwan matapos sabihan ng mga awtoridad na magpakita ng 10 birth certificates ng mga kapamilya, ayon sa Bureau of Immigration.
Bagama’t hindi pa natatanggap ng bureau ang full report at imbestigasyon sa insidente, sinabi nito na batay sa inisyal na impormasyon, sinabi ng pasahero na bibiyahe siya sa Taiwan upang bisitahin ang malayong kaanak noong Hunyo. Subalit, base sa immigration officer sa assessment, nabanggit nito ang posibleng trabaho sa Taiwan.
Hindi napatunayan ng biyahero ang kanyang relasyon sa kanyang sponsor, at nakitaan ng “numerous inconsistencies” nang tanungin hinggil sa basic details ng sponsor, anang BI nitong Lunes.
Hindi rin napatunayan ng pasahero ang personal capacity na suportahan ang sarili sa 14-day trip, base sa bureau.
Pinaalalahanan umano ito na kumuha ng akmang working documents.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na sa ilalim ng alituntunin ng Department of Justice, ang departing passengers na hindi napatunayan ang kanilang “purpose and capacity” ay maaaring isponsoran ng kaanak “within the fourth civil degree.”
“Travelers need not worry as long as they have the appropriate documents that match their actual purpose of travel,” sabi ni Tansingco.
“So many travelers are coming in and out of the country with no issues. Only those with conflicting documentation are subjected to further inspection,” patuloy niya.
Idinagdag ni Tansingco na ipag-uutos niya ang imbestigasyon sa insidente upang matiyak na maayos na naipaliliwanag ng mga opisyal ang kanilang desisyon sa mga pasahero. RNT/SA