MANILA, Philippines – Sinibak sa pwesto ng Bureau of Immigration ang facility chief nito at 35 iba pang tauhan sa isinagawang surprise raid ng ahensya sa holding facility nito sa Taguig.
“A lot can be done to improve the facility. After seeing the situation firsthand, we have seen opportunities for improvement and issues that need to be addressed,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco, kung saan nadiskubre sa surprise raid noong Enero 30 ang iba’t ibang mga ipinagbabawal na gamit.
Matatandaan na sinabi rin ng Department of Justice na posibleng nakakagawa pa rin ng mga criminal activities ang apat na Japanese nationals na sangkot sa serye ng mga nakawan sa Japan, dahil may mga cellphone pa rin ang mga ito kahit nasa loob ng pasilidad.
Ani Tansingco, ang mga sinibak na tauhan ay inilagay sa iba pang back-end offices habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Idinagdag pa niya na hindi nila pinapayagan ang mga nakapiit na dayuhan na gumamit ng cellphone.
Ipinag-utos na ni Tansingco ang paghihiwalay sa mga pugante at iba pang deportees upang mas matutukan, partikular na sa mga mayroong mas matinding kaso.
“I have instructed the new management of the BIWF (Bureau of Immigration Warden Facility) to implement improvements in the facility, and to ensure that no such incident occurs in the future,” aniya.
“Those who are found to be remiss of their duty will definitely face administrative sanctions,” dagdag pa nito.
Ang mga foreign nationals na isasalang sa deportation ay hawak ng Bicutan Detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. RNT/JGC