MANILA, Philippines- Nakahanda ang Bureau of Immigration (BI) na magpaabot ng tulong sa mga Filipino na posibleng mapauwi kasunod ng nagaganap na kaguluhan ng Israel-Palestine.
Ayon sa BI, makikipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa mga iskedyul ng posibleng repatriations.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na magde-deploy siya ng mga special team na magpoproseso ng mga dokumento ng repatriated Filipino at kanilang mga pamilya.
“Should they come in special flights, we will have a dedicated team process their documents immediately upon arrival,” ani Tansingco.
Dagdag pa niya, ipaaabot ng ahensya ang lahat ng tulong na hinihingi ng DFA at ng DMW para sa kapakanan ng repatriates.
Ibinahagi din ni Tansingco na sa kasalukuyan ay wala pang schedule para sa repatriation ang na-coordinate sa kanila, ngunit mahigpit nilang binabantayan ang mga update mula sa DFA at DMW.
“The safety of our kababayans is a top priority for the government,” ani Tansingco. “The BI will do what it can to extend assistance to agencies involved in repatriation of Filipinos,” dagdag pa ng opisyal. JAY Reyes