MANILA, Philippines- Matapos mapigilan ng Bureau of Immigration ang ilang Pilipino na makaalis ng bansa dahil sa bogus overseas employment certificates, nagbabala ang BI warned laban sa pekeng OECs na ibinebenta online.
“Our system is integrated with the [Department of Migrant Workers’] database, hence it is very easy for us to verify legitimate OECs,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.
“Using these fake certificates will no longer work.”
Nag-isyu ang Immigration Bureau ng babala matapos maharang ng kanilang Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) nitong Martes ang tatlong biktima na patungo sana sa Warsaw, Poland, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Sinabi ng mga biktima, isang babae at dalawang lalaki na kapwa 30 taong gulang pataas, na ni-recruit sila online sa pamamagitan ng messaging app.
Nagbayad sila ng halos tig-P70,000 para sa recruitment at kanilang ticket. Nagbayad din sila ng karagdagang P7,000, na umano’y para sa pagproseso ng kanilang OECs.
Natanggap umano nila ang OECs sa pamamagita ng email.
Ipinasuri ito ng primary inspector ng BI sa TCEU, na nagkumpirma na peke ang OECs.
Bukod dito, ilan pang kaso ng pekeng OECs ang naitala ng BI kamakailan. RNT/SA