Home NATIONWIDE BI nakipagsanib-pwersa sa ADB sa integrity training ng mga tauhan

BI nakipagsanib-pwersa sa ADB sa integrity training ng mga tauhan

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Bureau of Immigration at Asian Development Bank ng anti-corruption at integrity training sa mga tauhan ng BI.

Sa ulat ng BI nitong Martes, Disyembre 26, layon ng proyekto na palakasin ang competencies ng BI at pagbutihin pa ang serbisyo ng ahensya na may integridad.

Pinangunahan nina Office of Anticorruption and Integrity (OAI) Integrity Specialist Noel B. Anderson at Associate Integrity Officer Mayumi Estacio ang naturang seminar, kung saan ibinida rito ang “fusion of exceptional customer service delivery with meticulous data administration and file integrity.”

Ang seminar ay bahagi ng joint initiative sa pagitan ng BI at Corporate Services Department Government Relations Unit (CSIS-GR) ng ADB at OAI para makapagbigay ng tuloy-tuloy na integrity training seminars.

“Our collaborative efforts with the ADB underscore the importance of partnerships in fortifying the Bureau’s integrity and elevating service standards,” ani BI Commissioner Norman Tansingco.

“Our partnership with stakeholders is integral to the Bureau’s success. Through collaborative efforts like this, we demonstrate our commitment to fortifying relationships and harnessing collective expertise,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleLibreng menstrual products sa mga babae, ipinanukala sa Senado
Next articleShari’ah Bar exams, computerized na rin!