Home NATIONWIDE BI revenue sa tourist visa extension tumaas ng halos 24% noong 2023

BI revenue sa tourist visa extension tumaas ng halos 24% noong 2023

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng halos 24% na pagtaas ang Bureau of Immigration (BI) sa kita nito mula sa tourist visa extensions noong 2023.

Ayon kay BI tourist visa section chief Raymond Remigio, naitala ng ahensya ang kabuuang P1,426,076,164 noong nakaraang taon, kumpara sa P1,153,748,535.50, na nagmamarka ng 23.6% na pagtaas.

Itinuturong ito ay dahil sa mas tumaas na interes sa international travel matapos ang pandemya.

Samantala, sinabi ni Commissioner Norman Tansingco, na sumasalamin ang datos sa hakbang ng ahensya na paigtingin ang regulasyon na mas madali para sa mga turista sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong opisina at paglalatag ng kanilang online services.

“We are one with the Department of Tourism in their campaign to reinvigorate international travel and tourism in the country,” saad sa pahayag ni Tansingco.

“Faster and easier immigration service is our contribution to the national government’s efforts.”

Ang visa-free nationals ay binibigyan ng initial stay na hanggang 30 araw ngunit maaari silang mag-extend sa anumang opisina ng BI sa buong bansa o sa pamamagitan ng e-services.immigration.gov.ph. RNT/JGC

Previous article‘Science-informed’ decisions solusyon sa kakulangan ng ligtas na inuming-tubig sa bansa – DENR
Next articlePanalangin ni Imee: Pangulo, ilayo mula sa mga demonyo