MANILA, Philippines- ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na iulat ang mga kahina-hinalang mga na nagsasabing nag-ooperate sila ng electronic travel o e-Travel sites.
“May mga nare-receive na complaints through socmed (social media) channels. Immediately report to CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center),” ani BI spokesperson Dana Sandoval.
Ginawa ni Sandoval ang pahayag kasunod ng mga ulat ng mga pekeng site ng eTravel na naniningil ng bayad mula sa mga nais maglakbay.
“The eTravel service is free of charge. Any website using the eTravel name and logo is fake and is a scam,” batay sa abiso ng BI.
Dahil dito, nagbabala Sandoval sa mga nasa likod ng illicit scheme na maaari silang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, kaugnay ng computer-related fraud. Maaaring ipadala ng publiko ang kanilang mga reklamo online sa pamamagitan ng cicc.gov.ph/report.
Nauna nang inilunsad ng BI ang e-travel system upang bawasan ang paper-based na mga kinakailangan ng mga inbound at outbound na manlalakbay.
Ito ay isang interagency na proyekto kasama ang Department of Tourism, Department of Information and Communications Technology, Bureau of Quarantine, Bureau of Customs, Department of Health, Department of Transportation, Department of Justice, at ang National Privacy Commission. JAY Reyes