Home NATIONWIDE BI todo-bantay vs pekeng dokumento ng byahero

BI todo-bantay vs pekeng dokumento ng byahero

482
0

MANILA, Philippines – NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na walang magandang maidudulot sa isang manlalakbay ang paggamit ng mga pekeng dokumento upang makalabas sila ng bansa.

Ang naturang babala ay sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco kasabay ng pahayag nito ng kanyang pagkadismaya hinggil sa nakababahalang pagtaas ng kaso na kinasasangkutan ng paggamit ng mga pekeng dokumento ng mga indibidwal na nagtatangkang bumiyahe sa ibang bansa.

“These syndicates are issuing fake documents and sweet-talk our kababayans into agreeing to their illegal schemes,” ayon sa BI Chief.

“Never agree to these kinds of arrangements, and only apply through the Department of Migrant Workers,” dagdag pa ni Tansingco.

Nabatid sa BI, nito lamang Mayo 21 ay may isang lalaking pasaherong patungong Bangkok, Thailand, ang naharang sa NAIA Terminal 3. Una nang sinabi ng biktima ng recruitment na siya ay isang turista, ngunit sa masusing pagsusuri sa kanyang pasaporte, natuklasan ang isang balidong Malta Visa na may salitang “CANCELL” na nakasulat dito. Ang mga immigration officer ay nag-alinlangan sa anotasyon sa kanyang visa, at ang mga panayam ay nagsiwalat na siya ay inutusan na magpanggap bilang isang turista at siya ay talagang patungo sa Malta kung saan siya ay na-recruit sa tulong ng isang kamag-anak.

Kinabukasan, dalawang babaeng biktima naman ang nakapanayam sa NAIA Terminal 1 habang sinusubukang bumiyahe patungong Dubai. Nagpakita sila ng mga pekeng Kingdom of Saudi Arabia re-entry visa, sa kabila ng aktwal nilang intensyon na maghanap ng trabaho sa Dubai. Ibinunyag ng isa sa mga biktima na nakilala niya ang isang recruiter sa Facebook, na nagbigay sa kanila ng mga pekeng dokumento sa labas lamang ng airport bago sila umalis.

Noong Mayo 23 naman ay naharang ng BI ang dalawang babaeng pasaherong patungo sa Poland sa NAIA Terminal 1. Ang mga indibidwal na ito ay nahuling nagpapakita ng mga pekeng overseas employment certificates (OEC), na nakuha nila sa pamamagitan ng Facebook. Nabatid na nagbayad sila ng 500 PhP online para sa mga pekeng dokumento.

Previous article2023 revenue target kumpyansang lalagpasan ng PCSO
Next articleSen. Pia pinarangalan ng WHO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here