Home HOME BANNER STORY BI warden head, personnels sibak sa cellphone ng Japanese detainee

BI warden head, personnels sibak sa cellphone ng Japanese detainee

91
0

MANILA, Philippines – Sinibak sa pwesto ng Bureau of Immigration ang warden facility head nito at iba pang mga tauhan makaraang makuha ang anim na cellphone mula sa Japanese detainee na hinihinalang mastermind sa mga illegal na aktibidad sa Japan.

Ito ang sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval sa panayam ng DZBB nitong Biyernes, Pebrero 3, kung saan ang responsibilidad na ito umano ay nakaatang sa pinuno ng naturang pasilidad.

“Because if [it’s] this massive then definitely po there must be something going on. So napalitan po ang head and all the people po inside the facility pinagpapalitan po natin ‘yan ng mga bago po na mga empleyado natin,” aniya.

Maaalalang nitong Martes, Enero 31 ay inihayag ng Department of Justice na nakakuha sila ng anim na iPhone mula sa isa sa apat na Japanese nationals na hiniling ng pamahalaan ng Japan na pauwiin.

Ayon kay Sandoval, hindi pinayagan ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang paggamit ng cellphone sa pasilidad.

“Yes, ang paggamit po ng gadget sa warden facility natin pinapayagan po with prior approval ng commissioner. So kailangan po may authorization muna ng commissioner and may schedule po ‘yan,” pagbabahagi niya.

“But nakita po natin na marami pong mga gadgets doon and wala pa po, mula nung nag-assume po si Commissioner Tansingco, wala pa po siyang pinipirmahan na any request or application for approval na paggamit po ng mga gadgets,” dagdag ni Sandoval.

Personal na bibisitahin din ni Tansingco ang pasilidad upang suriin kung ano na ang kasalukuyang sitwasyon doon.

“And nakikita po niya na it’s really something to be prioritized by the Bureau because it’s a concern already if it’s being abused by these kinds of syndicates or criminals here in the country,” aniya. RNT/JGC

Previous articleSunshine, nagsalita na sa breakup nila ni Macky, nagpatutsadang may third party!
Next articleEuro bond sale target ng pamahalaan – Diokno