Home NATIONWIDE Bidding para sa vote transmission services sa 2025 elections umarangkada

Bidding para sa vote transmission services sa 2025 elections umarangkada

MANILA, Philippines- Binuksan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ang bidding para sa Secure Electronic Transmission Services (SETS) para sa 2025 National and Local Elections (NLE) results.

Ang SETS ay gagamit ng mga network ng telecommunication at sa procurement project kung saan isasama ang pagtatatag ng mga data center at mga kinakailangan sa koneksyon para sa mga server ng Automated Elections System (AES).

Apat na kompanya ang nakabili ng bidding documents para sa proyekto ngunit ang joint venture ng eBiZolution Inc.- Secur Links Network and Technologies Inc.- Systems Information and Solutions Corporation at ang joint venture iOne Resources, Inc. and Ardent Networks, Inc, lamang ang pormal na nakapagsumite ng kanilang alok sa Comelec Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa AES.

Hindi tulad sa nakaraang automated election system, nagpasya ang Comelec na kontratahin ang mga serbisyo para lamang sa paghahatid ng mga boto para sa 2025 midterm polls.

Ito ay para magbigay ng checks and balances sa AES para sa 2025, ayon naman kay Comelec spokesperson at SBAC vice chairman Rex Laudiangco.

Ipinaliwanag ni Laudiangco na sa procurement ng transmission services, lahat ng board of canvassers ay makakatanggap ng parehong resulta ng boto.

“Tig-isa-isa na po tayo– ang media, ang dominant majority party, ang dominant minority party, ang stakeholders, accredited citizens arms, at mismong Comelec… Sent to all, meaning hindi na dadaan sa isang server at makakatanggap tayong lahat,” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBuCor nagtayo ng parke para sa pamilya ng mga PDL
Next articleAlex, nag-throwback sa paninita sa airport, natakot!