Home NATIONWIDE Biden byaheng Israel

Biden byaheng Israel

ISRAEL – Bibisita si US President Joe Biden sa Israel sa Miyerkoles para sa pakikipag-usap sa Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu at linawin na ang Israel ay may karapatang ipagtanggol ang sarili.

Ang anunsyo ay ginawa ni Secretary of State Antony Blinken nitong Martes.

Lilinawin umano ni Biden na “Israel has the right and indeed the duty to defend its people from Hamas and other terrorists and to prevent future attacks,” ani Blinken sa nakatakdang pagbisita ng US president.

Nakatakda namang i-brief ng Israel si Biden ang mga layunin at diskarte nito sa digmaan at kung paano ito magsasagawa ng mga operasyon “in a way that minimizes civilian casualties and enables humanitarian assistance to flow to civilians in Gaza in a way that does not benefit Hamas.”

Matatandaang inatake ng Hamas ang Israel noong Oktubre 7, na ikinamatay ng 1,300 katao, pangunahin ang mga sibilyan, sa pinakanakamamatay na araw sa 75 taong gulang na kasaysayan ng bansa. RNT

Previous articleIran, Israel, Palestinians, Syria at Egypt kinausap ni Putin para sa tigil-putukan
Next articleParak dedo sa kabaro sa pamamaril sa loob ng bar