Home HOME BANNER STORY Big-time fuel hike, pahabol sa 2023!

Big-time fuel hike, pahabol sa 2023!

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaroon ng malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa huling linggo ng 2023, ayon sa Department of Energy nitong Biyernes, Disyembre 22.

Sa pagtaya ng industriya, sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero na posible ang P1.40 hanggang P1.60 kada litro na dagdag sa presyo ng gasolina, P1.40 hanggang P1.60 kada litro na dagdag sa presyo ng diesel at P1.60 hanggang P1.80 na dagdag sa kada litro ng kerosene.

“Said adjustments were tempered by signs of unexpected build up in US crude stockpiles and talks over a potential ceasefire in the Israel-Hamas war,” ani Romero.

Nakadagdag din umano sa epekto sa taas-presyo ng gasolina ang pag-iwas sa pagdaan ng mga kompanya ng langis at tanker nito sa Red Sea dahil sa mga pag-atake ng rebelde sa lugar. RNT/JGC

Previous article2 kelot na nasita sa helmet, isinelda sa boga sa Malabon
Next articleDaloy ng trapiko sa mga expressway bibigat na ngayong hapon