Horizontal shot of some fuel pumps at a gas station.
MANILA, Philippines – Mahaharap na naman sa panibagong bugso ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ang mga motorista sa susunod na linggo.
Marka na ito ng ika-10 sunod na linggo ng taas-presyo sa gasolina at ika-11 linggo sa diesel at kerosene.
Sa four-day Mean of Platts Singapore trading mula Setyembre 11 hanggang 14, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na inaasahan ang sumusunod na taas-presyo sa susunod na linggo:
Gasolina – P1.15 to P1.35 kada litro
Diesel – P1.80 to P2.00 kada litro
Kerosene – P1.70 to P1.90 kada litro
Ayon sa oil industry source, ang diesel prices ay nakikitang tataas ng P1.90 hanggang P2.20 kada litro, at ang gasolina naman ay posibleng tumaas ng P1.30 hanggang P1.60 kada litro.
Nitong Martes, Setyembre 12 ay tumaas din ang presyo ng gasolina ng P0.20 kada litro, diesel sa P0.40 kada litro at kerosene sa P0.20 kada litro. RNT/JGC