Home NATIONWIDE “Bigger population good for debt payment” ni Bato, na-out of context lang

“Bigger population good for debt payment” ni Bato, na-out of context lang

MANILA, Philippines – “Out of context”

Ganito ang paliwanag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Lunes sa kanyang pahayag na mas maganda kung mas malaki ang populasyon sa pagbabayad ng utang ng bansa dahil mas maraming pagkukunan ng buwis na ipambabayad dito.

Sa interview, sinabi ni Dela Rosa na iniuulit lamang niya ang sinasabi ng ibang tao nang tanunghin niya ang economic managers na kapag mas maraming anak na magpapalobo sa populasyon ang maghahati-hati sa pagbabayad ng utang ng bansa.

“I was taken out of context, without malice or without intention or unintentionally taken out of context. I was quoting somebody,” ayon kay Dela Rosa.

Sa pagtatapos ng Hunyo 2023, umabot na s P14.15 trilyon ang sovereign debt amounted na mahigit sa isang taong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr.

Sa ginanap na briefing nitong nakaraang linggo ng Senate Committee on Finance sa 2024 National Expenditure Program, sinabi ni Dela Rosa: “’Yung simpleng pinobre na pag-iisip, ang anak nila mas marami para yung per capita debt natin baba, the bigger the population mas maraming maghahati hati sa utang.”

Ayon kay Dela Rosa, hindi galing sa yan ang suhesiyon kundi ibang tao.

“Hindi. Sinabi ko nga narinig ko. Sinasabi ng mababa na tao na ganun solution. ‘Di ganun ang solution ko, ang babaw naman ng pagtingin nila sa atin kung ganun,” aniya.

Hindi naman pinansin ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang remarks ni Dela Rosa dahil alam niyang nagbibiro lamang ito.

“Kung kaya mong buhayin, pag-aralin, why not ‘di ba?” Diokno said as to having more children. “But you have to assess your resources,” dagdag niya.

Nagpahayag din ng pag-aalala si Dela Rosa sa lumulubng utang ng bansa pero nakuntento ito sa pagtiyak na economic managers na walang dapat ikabahala.

“Ako ay nababahala sa debt natin kaya tinanong ko sila. Sabi ko, in order to appease the people, okay lang ba sabihin na wag mag-panic utang lang yan. Sabi ni Sec. Diokno, ‘di raw tayo dapat mag-panic, our economy is still robust and healthy compared to other countries,” aniya.

Naniniwala naman si Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate finance committee, na hindi pa nakakaalarma ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng Pilipinas.

“Hindi naman siguro. But it is towards the upper end already. Maybe when you hit 70% — we don’t really want to reach that,” ayon kay Angara sa interview.

Nitong unang yugto ng 023, tumindga 61% ang debt-to-GDP ratio na mas mababa sa 63.5% sa first quarter ng 2022.

Kumakatawan ang debt-to-GDP ratio sa halaga ng debt stock ng gobyerno alinsunod sa lawak ng ekonomiya.

Tinutudla ng gobyerno na ibaba ang debt-to-GDP ratio sa hindi hihigit sa 60% by 2025, saka ibaba pa sa 51.1% sa 2028, at bawasan ang budget deficit sa 3.0% ng GDP sa 2028.

“Previous to the pandemic… we were at 39% debt-to-GDP ratio and now we’re at 63%. I think they’re going to scale that back to 50% plus by the time the President’s term ends,” ayon kay Angara. Ernie Reyes

Previous articleUlo ng trike driver lasog sa sagasa ng truck
Next article5 barangay sa Quezon malaya na sa droga