Home HOME BANNER STORY Bigtime oil price hike gugulong sa unang araw ng Agosto

Bigtime oil price hike gugulong sa unang araw ng Agosto

241
0
Horizontal shot of some fuel pumps at a gas station.

MANILA, Philippines- Magpapatupad ng malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo sa unang araw ng buwan ng Agosto.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P2.10 sa kada litro ng kanilang gasolina, P3.50 sa kada litro ng diesel at P3.25 sa kada litro ng kanilang kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May bigtime oil price hike din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 mamayang hatinggabi habang ang CleanFuel naman ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.35 sa kada litro ng kanilang gasolina, P0.45 sa kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng kanilang kerosene. JAY Reyes

Previous articleDiokno dumepensa sa pagkolekta ng withholding tax mula sa online sellers
Next articleWalang nakasungkit ng jackpot sa July 30 draws ng Super, Ultra Lotto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here