Manila, Philippines – Busina para sa mga motorista dahil posibleng magtaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa July 10-13 traiding, posibleng umabot sa P1.80 hanggang P2.00 ang magiging pagtaas sa presyo kada litro ng diesel.
Habang aabot sa P1.50 hanggang P1.70 ang magiging pagtaas sa presyo kada litro sa gasolina.
Wala pa namang pagtataya ng presyo para sa kerosene.
“The increase is attributed to the planned supply cuts by the world’s biggest exporters and hopes for higher demand in the developing world offset wider economic concerns globally,” ani Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.
Sa Pilipinas, kadalasan nag-aanunsyo ang mga oil company ng price adjustment tuwing Lunes, at ipatutupad naman ito ng Martes. RNT