Home HOME BANNER STORY Bigtime oil price rollback, kasado sa Martes

Bigtime oil price rollback, kasado sa Martes

111
0

MANILA, Philippines- Matapos ang sunod-sunod na oil price hike, magandang balita naman sa mga motorista ang hatid ng mga kompanya ng langis sa bansa dahil magpapatupad naman sila ng malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo epektibo bukas.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng big time oil price rollback na P2.10 sa kada litro ng gasolina, P3.00 sa kada litro ng diesel, at P2.30 sa kada litro ng kerosene na naging epektibo alas-6 ng umaga.

May malakihang bawas presyo din sa kahalintulad na halaga ng mga produktong petrolyo ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na naging epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Ang ipapatupad na oil price rollback sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

Previous articlePNP chief Azurin tumulak sa UAE para sa Interpol conference
Next articleDagdag-benepisyo para sa mga ex-president, isinusulong sa Senado