Home HOME BANNER STORY Bihag na 17 marinerong Pinoy sa Red Sea nasa maayos na kalagayan...

Bihag na 17 marinerong Pinoy sa Red Sea nasa maayos na kalagayan – DFA

MANILA, Philippines – Ligtas sa ngayon ang 17 Filipino seafarers na na-hostage ng mga rebeldeng Houthi na suportado ng Iran sa isang na-hijack na barko sa Red Sea, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Nobyembre 24.

“Yung barko ang pinuntirya. Nagkataon lang na may mga Filipino crew doon,” ani Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.

“The good news is that we do know that our seafarers are fine and that the Houthi rebels are indicating consistently that they do not intend to harm them,” dagdag pa niya sa panayam sa ANC.

Tiniyak ng mga awtoridad sa mga pamilya ng mga hostage na ang gobyerno ay “on top of the situation”, sabi ni De Vega.

Nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa iba pang pamahalaan para makipag-ayos sa pagpapalaya sa 17 Pilipino, ani De Vega.

“We are talking to governments and it’s not just governments in the region. The Japanese of course are involved in this because after all, supposedly, Japanese company…may-ari ng barko at alam natin na may Israeli connection ito,” sabi ng opisyal.

“Nakikipag-usap kami sa ibang mga gobyerno na mayroon ding mga mamamayan, na na-hijack, kinuha,” dagdag niya. RNT

Previous article‘Respiratory illness outbreak’ sa Tsina iniimbestigahan na ng WHO
Next articlePagtalakay ng Kamara sa ICC reso, parte lang ng trabaho – House Speaker