Bike lane sa EDSA initakda ng MMDA bilang dry run sa paghahanda sa new normal

Bike lane sa EDSA initakda ng MMDA bilang dry run sa paghahanda sa new normal

May 24, 2020 @ 10:30 AM 4 days ago

  • 4
  •  
  •  
    4
    Shares
Share

Manila, Philippines – Nagtakda ng bike lane sa EDSA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo para sa dry run ng bagong scheme dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa isang ulat, naglagay ng traffic cones ang MMDA sa EDSA mula sa kanto ng Whiteplains Avenue hanggang sa kanto ng Col. Bonny Serrano Avenue upang bigyan ng marka ang bike lane.

Gagamitin bilang bike lane para sa dry run ng traffic scheme ang outer lane.

Sa panayam kay MMDA traffic chief Bong Nebrija, sinabi niyang ilulunsad nila ang mga bike lane sa pamamagitan ng segment kada segment.

Pinasalamatan nito ang EDSA Evolution, ang grupo na sumusulong sa active mobility at agaran at permanenteng placement ng protected bike lanes sa kahabaan ng mga kalsada sa Metro Manila, para sa inisyatibong ito.

“For now, we would to appreciate the people behind the EDSA Evolution for coming up with this one. Marami na tayong kababayan, nagba-bike from home going to this part of EDSA,” aniya.

Hinikayat ni Nebrija ang mga biker na magsuot ng kinakailangang protective gear kapag gumagamit ng bike lanes para sa kanilang kaligtasan.

Nauna nitong buwan, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng mahalagang papel ang two-wheel vehicles para sa mga Filipinong komyuter kapag inalis na ang community quarantines at maging “new normal” na ang sitwasyon.

Sinabi ng DOTr na isusulong nito ang paggamit ng motorsiklo at bisikleta bilang paraan ng transportasyon matapos ipatupad ang lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...