MANILA, Philippines- Hinatulang guilty si Peter Joemel Advincula ng Manila court dalawang taon matapos maaresto sa salang perjury laban kay dating senatorial candidates Jose Manuel “Chel” Diokno at Lorenzo “Erin” Tañada, at dating Supreme Court spokesperson Theodore Te.
“The court finds accused Peter Joemel Advincula guilty beyond reasonable doubt of the crime of perjury,” saad sa desisyon ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 17.
Ibinahagi ni Tañada ang kopya ng desisyon sa kanyang Twitter page nitong Miyerkules, kung saan makikita na ang parusa para sa indibidwal na kilala ring si “Bikoy” ay “three months and one day of arresto mayor as minimum, up to one year and one day of prison correccional as maximum.”
Wala pang pahayag ang kampo ni Advincula hinggil sa hatol ng korte.
Matatandaang pinaratangan ni Advincula sina Diokno, Tañada, at dating Supreme Court spokesperson Theodore Te na bahagi ng “Project Sodoma” na umano’y planong pagpapatalsik kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.
Advertisement
Advertisement