Home NATIONWIDE Biktima ng human trafficking pinagamit ng wheelchair para makalusot sa inspeksyon –...

Biktima ng human trafficking pinagamit ng wheelchair para makalusot sa inspeksyon – BI

MANILA, Philippines – NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang hindi pinangalanang biktima, alinsunod sa batas ng anti-trafficking, ay tinangkang sumakay ng Philippine Airlines flight patungong Thailand.nang masabat siya ng miyembro ng BI immigration protection and border enforcement section (I-PROBES).

Sa isinagawang secondary inspection, napuna ng mga opisyal ang paiba-iba nitong salaysay pero sa bandang huli ay inamin niyang ni-recruit siya upang magtrabaho bilang katulong sa Lebanon.

Inamin niya na inutusan siya ng kanyang recruiter na magpanggap na nagkasakit para makagamit siya ng wheelchair. Sinabi ng biktima na inutusan siyang burahin ang lahat ng kanilang usapan ng kanyang recruiter sa kanyang mobile phone.

Ayon pa sa biktima, nangako ang kanyang recruiter na kung hindi ma-aprub ang kanyang visa sa Lebanon, dadalhin siya sa Hongkong upang hanapan ng ibang trabaho.

Muling nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco hinggil sa mga illegal recruiters at human traffickers.

“These traffickers will go to great lengths to convince prospective workers to leave illegally because they earn a lot from their recruitment,” ayon kay Tansingco.

“But once the workers encounter distress, they will disappear,” dagdag pa nito.

Ang biktima ay nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at imbestigasyon laban sa kanyang recruiter. JAY Reyes

Previous articlePaglikha ng 8 bagong bayan inaprubahan ng BARMM
Next articleSuplay ng isda inaasahang kukulangin ng 57K MT