Home NATIONWIDE Bilang ng bagyong inaasahang tatama sa bansa ngayong 2024 bumaba

Bilang ng bagyong inaasahang tatama sa bansa ngayong 2024 bumaba

MANILA, Philippines- Inaasahan ng weather bureau na bababa ang bilang ng bagyong tatama sa bansa ngayong taon dahil sa patuloy na epekto ng El Niño.

Inihayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) climate monitoring chief Ana Liza Solis na 13 hanggang 19 bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong 2024, mas mababa sa karaniwang 19 hanggang 20.

“May possibility din po na ang tinatawag natin na warm and dry season months — March, April, May, it could be one of the warmest years on record natin. Kasi historically ang ating El Niño years, iyon din ang maiinit ang temperatura naitatala natin,” paliwanag ni Solis sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing nitong Martes.

Nauna nang sinabi ng weather bureau na posibleng humaba ang El Niño phenomenon hanggang ikalawang quarter ng 2024, na labis na makaaapekto sa agricultural provinces sa Northern at Central Luzon.

Ani Solis, sa pamamagitan ng mga simpleng pamamaraan ay makapaghahanda ang mga tahanan para sa posibleng dry spells.

“Huwag mag-aksaya ng tubig, kahit mataas ang level ng ating Angat dam still huwag mag-aksaya though sapat ang tubig sa Metro Manila pero doon sa mga ibang lugar naman po (baka hindi sapat),” ani Solis sa parehong briefing. RNT/SA

Previous articleSuplay ng tubig sa darating na tag-init sapat sa kabila ng El Niño – MWSS
Next articleBabaeng siklista todas sa sagasa ng SUV!