MANILA, Philippines- Naniniwala ang 72 porsyento ng adult Filipinos na patungo ang bansa sa tamang direksyon dahil sa mga polisiya at aksyon ng kasalukuyang administrasyon noong July 2023, mas mababa sa peak na 85 porsyento noong October 2022, ayon sa “Tugon ng Masa” (TNM) survey results ng OCTA na inilabas nitong Huwebes.
Binanggit ng OCTA na bumababa ang porsyento ng adult Filipinos na naniniwalang patungo sa tamang direksyon ang bansa mula noong Oktubre 2022.
“While most adult Filipinos (72 percent) still believe that the country is headed in the right direction, this is a 13 percent decline from a high of 85 percent based on the TNM survey conducted last October 2022,” anito.
“Moreover, the percentage of adult Filipinos who think the country is headed in the right direction decreased from 76 percent last March 2023 to 72 percent for a total of four percentage points,” ayon pa sa OCTA.
Samantala, nanatili naman ang porsyento ng adult Filipinos na naniniwala na patungo sa maling direksyon ang Pilipinas mula 10 porsyento noong March 2023 sa 11 porsyento nitong July 2023.
Anang OCTA, walang tugon ang 16 porsyento habang tumangging magbigay ng sagot ang 1 porsyento sa pinakabagong survey.
Isinagawa ang Second Quarter 2023 Tugon ng Masa survey mula July 22 hanggang 26, na nilahukan ng 1,200 respondents sa buong bansa. RNT/SA