Home NATIONWIDE Bilang ng pamilyang apektado ni TS Kabayan, shear line sumampa sa 25K

Bilang ng pamilyang apektado ni TS Kabayan, shear line sumampa sa 25K

MANILA, Philippines- Umakyat na ang bilang ng mga pamilyang apektado ng pinagsanib na epekto ng shear line at Tropical Storm Kabayan sa 25,489, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Katumbas ito ng 86,321 indibidwal na naninirahan sa 217 barangay sa Northern Mindanao, Davao Region at Caraga, ayon sa ahensya sa pinakabagong disaster bulletin.

Mas mataas ito kumpara sa tala nitong Lunes na 2,190 pamilya.

Halos 390 evacuation centers ang binuksan kung saan 19,601 pamilya o 67,105 indibidwal ang tinutulungan sa mga ito habang 4,891 pamilya o 15,598 katao ang inaasistihan sa ibang lugar.

Pumalo naman sa 53 kabahayan ang napinsala sa Northern Mindanao, Davao Region at Caraga.

Sa kasalukuyan ay walang naiulat na nasawi subalit sinabi ng NDRRMC na bineberipika nito ang isang sugatan sa Northern Mindanao at isang nawawala sa Davao Region. RNT/SA

Previous articleALAMIN: Adjusted operating hours ng PNR sa Disyembre 31, Enero 1
Next articleMalacaƱang binuksan sa publiko para sa Pasko