Home NATIONWIDE Bilang ng patay sa Israel attack sa Gaza dumami pa!

Bilang ng patay sa Israel attack sa Gaza dumami pa!

GAZA/JERUSALEM- Patuloy ang pag-atake ng Israel sa Gaza nitong Lunes na nagresulta sa mas maraming napatay, more people, sa pakikipagbakbakan ng mga sundalo nito sa Hamas militants sa ground sa loob ng Palestinian enclave bago ang potensyal na bagong yugto ng sagupaan.

Sinabi ng health ministry ng Gaza na 436 indibidwal ang nasawi sa Israeli aerial attacks sa nakalipas na 24 oras, karamihan sa mga ito ay sa timog na bahagi ng Gaza Strip.

Sa 2.3 milyong populasyon ng teritoryo na nananatili sa rito at nanganganib na maubusan ng suplay ng mga pangunahing pangangailangan, nanawagan ang European leaders na itigil ang karahasan upang maabot ng tulong ang mga residente.

Subalit, lumawig pa ang kaguluhan kung saan tinira rin ng Israeli aircraft ang southern Lebanon at naglalaban ang Israeli troops at Palestinians sa West Bank.

Naglunsad din ng mga rocket ang Hamas sa Israel.

Sinabi ng UN na kulang na ang pakain, tubig, gamot at masisilungan para sa mga sibilyan sa patuloy na kaguluhan.

Nasa 5,087 Palestinians na ang patay sa loob ng dalawang linggong strikes, kabilang ang 2,055 bata, base sa health ministry.

Nag-ugat ang pagbomba ng Israel sa Gaza sa Oct. 7 cross-border assault sa Israeli communities ng Hamas militants na kumitil sa 1,400 indibidwal at dumukot sa 200 hostage. RNT/SA

Previous articleBakbakan sa Israel border tumindi!
Next articleLions int’l forum kicks off with golf cup at Villamor