Home NATIONWIDE Bilang ng Pinoy bachelors unti-unting nababawasan

Bilang ng Pinoy bachelors unti-unting nababawasan

MANILA, Philippines- Unti-unti nang nabawasan ang mga “single” na Pinoy mula pa noong 2020.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makikita sa ikinumparang datos na ang mga single na kalalakihan ay bumaba mula 43.8% noong 2015 at naging 39.7% noong 2020.

Ang pagliit ng bilang ng mga single na tao sa bansa ay maaaring iugnay sa tumataas na populasyon ng “registered marriages,” kung saan naobserbahan sa datos na ang mga ikinasal mula noong 2019 hanggang 2022 ay tumaas ng 4%.

Naitala rin sa 2022 data na halos kalahating milyon ang ikinasal sa buong bansa, kumpara sa kabuuang 356,839 noong 2021, dahilan upang tumaas ang marriage population ng 26%.

Nakita rin sa ginawang pagsasaliksik ng PSA na ang mga single na Filipino ay ikinasal matapos pagaaanin ang pandemic restrictions.

Sinasabi sa 2023 statistics na ang average age ng mga Pinoy na nagpakasal ay nasa edad na 25 hanggang 29.

Samantala, ang bilang naman ng mga kababaihanng naengganyo sa marital unions ay may edad na 20 pababa at lumaki nang apat na beses kaysa sa bilang ng mga kalalakihang nagpapakasal sa kanilang “early twenties.”

Samantala, habang hindi pa nakikita ng bachelors ang kanilang “kabiyak” bago pa ang Araw ng mga Puso, ang populasyon ng mga single na tao o wala pang asawa ay malawak pa.

Natuklasan sa 2020 census ng populasyon at pabahay na may 34 milyong Filipino pa ang hindi nagpapakasal.

Bagama’t maraming single na lalaki noong 2020 ang nagpaalam na sa kanilang pagiging “single,” may kasabihan nga na “there are many fishes in the sea,” sa katunayan may 18.5 milyon ang available na kalalakihan.

Ang bilang na ito ay mas mataas sa populasyon ng “single women” may bilang na 15.7 milyon. Kris Jose

Previous articleTelco overhaul sagot sa pagpapalakas ng digital economy – NEDA
Next article2 tanod sugatan sa tambang