Home HOME BANNER STORY Bilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom bumaba sa 9.8% sa Q3...

Bilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom bumaba sa 9.8% sa Q3 2023 – sarbey

MANILA, Philippines- Bumaba sa 9.8 porsyento ang bilang mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary” sa third quarter ng taon, ayon sa pinakabagong survey ng pollster Social Weather Stations (SWS).

Napag-alaman din sa Sept. 28 to Oct. 1 poll na mas mababa ang hunger incidence sa nakalipas na tatlong buwan kumpara sa 10.4 porsyentong nairehistro sa ikalawang quarter at parehong 9.8 porsyento sa unang quarter.

Base sa SWS, binubuo ang September 2023 hunger figure ng 8.4 porsyento ng respondents na nagsabing nakaranas sila ng moderate hunger at 1.3 porsyentong nakaranas ng severe hunger.

Hanggang niton September 2023, pinakamataas ang pagkagutom sa Metro Manila sa 17.3 porsyento mula sa 15.7 porsyento noong June 2023, sinundan ng Balance Luzon sa 10.3 porsyento mula 11.3 porsyento, Visayas sa 6.7 porsyento mula sa 9.3 porsyento, at Mindanao sa 6.7 porsyento mula 6.3 porsyento.

“The 0.6-point decline in Overall Hunger between June 2023 and September 2023 was due to declines in the Visayas and Balance Luzon, combined with a rise in Metro Manila and a steady score in Mindanao,” pahayag ng SWS.

Anang SWS, bumaba ang rate ng overall hunger sa self-rated poor mula 10.8 porsyento noong June 2023 sa 7.7 porsyento nitong September 2023, maging sa self-rated food-poor mula 9.4 porsyento sa 7 porsyento.

Makikita sa September survey na 48 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay “poor,” 27 porsyento ang nagsabing sila ay “borderline poor,” at 25 porsyento ang “not poor.”

Samantala, nasa 34 porsyento ng mga pamilya ang nagsabing sila ay food-poor, 35 porsyento bilang borderline food-poor, at 31 porsyento bilang not food-poor.

Lumahok sa nasabing survey ang 1,200 adult respondents at may margin of error na plus or minus 2.8 percent para sa national percentages. RNT/SA

Previous articleZubiri: Badyet ng DND sa air defense, daragdagan ng Senado
Next articleLebel ng tubig sa Angat dam umabot sa target