Home NATIONWIDE Bilang ng repats mula Israel sumampa sa 411 – DMW

Bilang ng repats mula Israel sumampa sa 411 – DMW

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Migrant Workers (DMW) hanggang nitong Martes ng gabi ng kabuuang 411 overseas Filipino workers (OFWs) na nakauwi na sa bansa galing sa Israel, sa pagsalubong sa ika-13 batch ng repatriates mula nang  sumiklab ang Israel-Hamas war noong Oktubre.

Kabilang sa 37 OFWs na bumubuo sa pinakabagong batch ng repatriates galing Israel ang 31 caregivers at anim na hotel workers, ayon sa DMW.

“They received a total of ₱125,000 pesos in financial aid, Training and Capacity Enhancement vouchers, as well pabaon goodies and a pail full of Noche Buena items from the Philippine Charity Sweepstakes Office,” pahayag ng departamento.

Nito lamang Martes ng umaga ay 38 distressed OFWs mula Lebanon at Abu Dhabi, United Arab Emirates ang dumating din sa bansa.

Nangako ang gobyerno na tutulungan sila sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng financial, medical, at psychosocial assistance maging pagsasanay at capability enhancement options. RNT/SA

Previous articleSANA NGAYONG PASKO
Next articleCARDINAL, MAY ATIK NA, MATULIS PA (2)