Home NATIONWIDE Bilateral trade ng Pinas sa Vietnam target palakasin ng Marcos admin

Bilateral trade ng Pinas sa Vietnam target palakasin ng Marcos admin

MANILA, Philippines- Nilalayon ng Pilipinas na paigtingin ang bilateral trade nito sa Vietnam sa $10 bilyon, ayon kay Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes.

”On economic cooperation, I could see countless opportunities for our two countries. The Philippines remains steadfast in improving and strengthening our economic, trade, and investment relations with Vietnam. It is also our hope to increase our bilateral trade to $10 billion by exploring other potential areas,” pahayag ni Marcos sa bilateral meeting kasama si Vietnamese President Vo Van Thuong. 

Ani Marcos, sa kasalukuyan ay pumapalo ang bilateral trade sa halos $7 bilyon.

Binanggit ni Marcos na nakikipag-ugnayan ang kanyang administrasyon sa Vietnamese government sa pagsasaayos ng trade procedures upang paghusayin ang business environment ng bansa.

”We hope to capitalize on our countries’ ratification of the [Regional Comprehensive Economic Partnership] RCEP to maintain the upward trend in our trade,” wika ni Marcos. 

”The Philippines is eager to work closely with Vietnam in streamlining our trade and investments procedures and requirements, minimizing trade barriers, and fostering a transparent and predictable business environment that encourages fair competition and mutual growth and development,” dagdag niya.

Ayon pa kay Marcos, target ng Pilipinas na i-develop ang isang circular economy na magbabawas sa paggamit ng natural resources at bubuo ng alternatibong pamamaraan sa kasalukuyang plastic waste management approach.

Aniya pa, umaasa ang gobyerno sa buong implementasyon ng ASEAN Framework for Circular Economy, simula sa iba’t ibang sektor depende sa sitwasyon ng mga bansa. Kris Jose

Previous articleMarcos: South China Sea, nananatiling ‘point of contention’
Next articlePresyo ng tilapia, bangus tumaas