Home NATIONWIDE Bilibid, Correctional bukas na muli sa bisita

Bilibid, Correctional bukas na muli sa bisita

332
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Huwebes na maaari na uling bumisita sa New Bilibid Prison (NBP) at sa Correction Institute for Women (CIW), mahigit dalawang linggo matapos magpositibo ng ilang persons deprived of liberty sa COVID-19.

Base sa BuCor, wala nang kaso ng COVID-19 sa parehong pasilidad.

Subalit, sinabi ni CIW Superintendent Elsa Alabado na isang CIW personnel ang naka-isolate pa rin subalit babalik na sa trabaho ngayong linggo.

Samantala, inihayag ni BuCor Health and Services Director Maria Cecilia Villanueva na rekisitos sa mga bibisita sa NBP ang pagpapakita ng ngeatibong antigen test result na isinagawa 24 oras bago ang pagbisita. Mandatoryo rin ang pagsusuot ng face masks.
Advertisement

Bukas ang bisitasyon mula Miyerkules hanggang Linggo, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Base kay Villanueva, hiniling din ng PDL commanders ng maximum security compound sa BuCor na magtalaga ng silid sa bagong NBP hospital para sa teleconferencing o virtual consultations.

Sinabi niya na tatalakayin pa ito.

Sumailalim din ang commanders sa random drug tests, kung saan lahat ay nakakuha ng negatibong resulta. Teresa Tavares

Previous articleKai Sotto nais lumaro sa Gilas sa World Cup
Next articleErrol Spence vs Terence Crawford  sisiklab sa Hulyo 29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here