Home NATIONWIDE Bilibid isasara ni Catapang ‘in five years’

Bilibid isasara ni Catapang ‘in five years’

452
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Bureau of Corrections director general Gregorio Catapang Jr. na plano niyang isara na ang New Bilibid Prison makalipas ang limang taon.

“Tinakda ko sa sarili ko na five years isasara na po itong New Bilibid Prison at magtatayo tayo ng New BuCor Global City. Commercial na po itong area natin, katabi ko lang dito Ayala Alabang, [Alabang] West, Portofino [Alabang],” pahayag ni Catapang.

“Napakamahal na ng lupa rito. Baka magagamit po natin pang pagpapagawa… and relocation ng ating mga inmates o PDL kasi prang sobra pa kami sa sardinas dito, nagsisiksikan po kami,” dagdag niya.

Matatandaang binanggit na ni Catapang ang planong itayo ang BuCor Global City, noong Abril.

Sa sinabi niyang ito, ibinahagi ri niya na maliban sa functioning prison, layon din niyang magkaroon ang global city ng socialized housing at food terminal system.

Idiniin din ni Catapang ang pagsasara ng
Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, na magaganap bago naman matapos ang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.

Plano niyang ilipat ang mga babaeng inmates mula CIW patungo sa pasilidad sa Palawan at Davao.

“Opo, ‘yung CIW isasara rin natin yan kasi napakasikip na rin po diyan. Baka mas maganda ilipat sila sa Palawan at tsaka Davao, may naghihintay pong tao sa kanila diyan,” ani Catapang.

“Nakakatuwa nga yung ibang bansa, yung kanilang mga PDL ay kumikita. Sa ating bayan, sila’y nagsisiksikan, namamatay, tapos nakakalimutan pang ilibing. Kaya babaguhin po natin ang sistema na nangyari,” pagtatapos niya. RNT/JGC

Previous articleTeacher Georcelle, nagpaliwanag sa alitan nila ni Sarah!
Next article8 sugatan sa sunog sa Las Piñas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here