Home METRO Binata arestado sa murder sa Kabite

Binata arestado sa murder sa Kabite

MANILA, Philippines- Walang piyansang inilaan sa isang 31-anyos na binata, makaraang magtago at matunton sa Tanza Cavite, dahil sa kasong “murder” noong July 2013.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division ng Manila Police District, ang suspek na si Jimwell Bondoc na residente ng R. Papa Street Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), bandang alas-10:06 ng umaga nang bitbitin ang binata sa Blk.19 Lot 16 sa Montera Verde Subdivision, Barangay Sanja Mayor, Tanza, Cavite nitong Miyerkules.

Isa sa mga tauhan ng DPIOU kasama ang grupo ng MDIT ng RIU ng NCR, sa pangunguna ni Police Captain Pierre Jamil Datong, ang nagsilbi ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Augusto Jose Y Parraguirre Areza, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 233 ng Makati City, sa kasong Murder sa ilalim ng Revised Penal Code Article 248.

Itinuturing ang suspek na Top 4 Most Wanted Person ng Regional Level. Rene Crisostomo

Previous articleKaso ng dengue sa Pinas bumababa na – DOH
Next articleKooperasyon sa infra projects, palalakasin ng APPF – Gatchalian