Home METRO Binata itinumba sa Maynila

Binata itinumba sa Maynila

MANILA, Philippines – NAMATAY habang inoobserbahan sa pagamutan ang isang 34-anyos na binata matapos patraydor na binaril ng nag-iisang salarin sa Mel Lopez Boulevard malapit sa Happy Land GK Compound, Capulong Street, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima sa pangalang Randy Madeja, tambay ng Happy Land GK Compound, Capulong street, Brgy. 125, Tondo.

Batay sa ulat ni Det. John Rupert Agustin na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 10:15 ng gabi nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman.

Lumitaw sa imbestigasyon ni Det. Agustin, may hawak ng kaso, habang naglalakad sa lugar ang biktima nang patraydor itong binaril sa likuran.

Nagawa pa ng biktima na magtatakbo papalayo sa suspek hanggang sa humandusay ito sa lupa.

Mabilis namang isinugod ng ilang kapitbahay ang biktima sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center, subalit kalaunan ay binawian din ito ng buhay. Rene Crisostomo

Previous articleMagsasaka nalunod sa irrigation canal sa Nueva Vizcaya
Next article47K biyahero sa mga pantalan naitala ngayong Easter Sunday